Una sa Balita

Liza binawalang magpaseksi ni Enrique?

0 365

‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Dahil hindi na nga gagawin ni Liza Soberano ang “Darna,” manganganak ng ibang isyu ang naturang balita.

Sa ibinigay na dahilan ni Liza na “finger injury,” marami ang nagsasabing dahilan na lang daw ‘yun ng paborito naming batang aktres para malusutan nang wagas ang tsismis na disappointed sa kanya ang bagong team ng “Darna.”

Sey pa ng mga nega basher, “Ang tsismis kasi, hindi ma-sustain-sustain o ma-maintain ni Liza ang ideal weight na nire-require for the role. Napaka-inconsistent ng weight item niya.”

Mas nega naman ‘yung pagpaparatang sa aktres na baka umano buntis ito kaya’t ayaw na nitong gawin ang role?

At meron pang intriga na masyado raw talagang “malam­ya at mabagal” kumilos for a Darna si Liza kaya’t kahit mag-train ito ng bongga, hindi raw ito makitaan ng “pagkabrusko” man lang sa mga gaga­wing action scene.

Nandiyan din ang tsikang ayaw siyang pagsuotin ni Enrique Gil ng sobrang revea­ling costume kaya’t madalas umano nila itong pagtalunan.

Kung ang nag-iisang dahilan daw kasi na hindi nag-heal (as in hindi dahil kay Enrique Gil ha?) ang injured finger nito na nakuha niya noon pang “Bagani” days nila, mukha daw mahirap paniwalaan.

Ganu’n? Bakit naman? Ang finger parang tooth iyan, ‘pag sumakit, dala ang buong katawan, kaya naniniwala kami.

Baka lang talaga hindi pa panahon ni Darna ngayon. We believe na si Liza pa rin ang pinakabagay para riyan. 

Basta ang alam namin, may gagawin silang movie at tele­serye ni Enrique. Baka lang pinatatakam tayo dahil ilang taon na bang niluluto ang proyektong iyan?

Gary V natakot ma-gong sa ‘ASAP’

Masiglang nakisaya si Gary Valenciano sa Kapamilya patrons nu’ng nakaraang Huwebes sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma, QC. First time raw ng Mr. Pure Energy na mapuntahan at ma-enjoy ang activities sa natu­rang studio kung saan nandu’n ang “mock-up” set ups ng fave shows like “Minute To Win It,” “The Voice,” “Ang Probinsyano,” “ASAP” in 4D at marami pang iba.

“Ang sarap balikan ‘yung masasa­yang experience ng laro. Although this is relatively high tech now and diffe­rent, ‘yung feeling na naglalaro ka, nag-e-enjoy, competitive at may interaction, ‘yun ang klase ng experience na sinasabi ko,” sey ni Gary.

Naghandog siya ng ilang awitin kabilang na ang “Saranggola,” na siya umanong kanta na nagpapaalala ng magandang bonding, pla­ying time nila ng kanyang ama.
Nagbigay pa ito ng tila warning sa mga tao sa ASAP 4D studio na dahil live singing ang kanyang gagawin, sana daw ay huwag maging sobrang kritiko ang mga naruruon.
“Baka kasi i-gong ninyo ako kapag may mga sablay sa nota o pagkanta ko,” biro pa nito.

Aside from promoting his “LARO at AWIT” album na nag-coincide sa kanyang 35th year sa showbiz, this April nga ay tutungo sa USA si Gary for his series of concerts there, kasama sina Jona at Katrina Velarde.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy