Una sa Balita

Liza binasura ang mga lambingan moment kay Enrique

By
0 1,061

Naalarma ang 8.8 million follower ni Liza Soberano sa Instagram dahil deleted ang lahat ng pinost nito sa kanyang account. Nakasanayan na kasi ng mga fan ni Liza na puntahan ang kanyang IG account para mag-like at mag-comment sa mga pino-post nito, lalo na kapag kasama nito ang ka-loveteam na si Enrique Gil.

Tuloy nasa isip ng mga netizen kung sinadya ba ito ng Kapamilya actress o na-hack ito.

Pero sa simula pa lang ng taong 2019 ay wala na silang makita ni isang photo or video ng aktres.

Heto ang ilang reaction ng netizens sa buradong IG account ni Liza:

“Bakit po ???”, “Anong nangyare ??”, “What happened bakit deleted mga mostly 2018?
Sino may gawa niyan?

I’m sure di ikaw to! Pls help nahack yata ang acct ni hopie”, “beh tingnan mo nawala lahat ng post niya 2018.”, “@lizasoberano bkit denelete mo un ibang post sa ig mo pati un post mo sa europe with @enriquegil17 denelete mo”, “@lizasoberano hay nako hope nkakasad un mga memories nyo sa spain denelete mo pati un 1million liked sa ig inalis mo din, hndi mo b mhal si @enriquegil17”, “Hala!! Anyare sa IG mo ate Hopie?!?!”, “Anong nangyari hopie sa ig mo whole yr ng 2018 nawala?”, “Ngyari sa ig mo @lizasoberano Hack ba to,”, “verified na acct nya? mahahahack pa?”, “@lizasoberano is something wrong?”

Ang last post na nakita ng mga netizen sa Instagram ni Liza ay ang birthday greeting niya sa kaibigan na si Michelle Vito noong Octobe 4, 2017. Pero burado na rin ito.

Marami tuloy ang nakaka-miss sa pictures nila ni Enrique Gil noong mag-White Christmas silang dalawa.

Sa Instagram stories naman ni Liza ay nagbigay siya ng mensahe na:

“Don’t worry guys I’m not hacked, just wanted a fresh start

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy