Una sa Balita

Liza araw-araw pinakikilig ni Enrique Gil

By
0 36

Kabilib ang mga batang artista ngayon, dahil sa edad nila, ang pagpasok sa negosyo na ang iniisip nila.

Nakakatuwang makita na mas lalong pinagbubuti nina Nadine Lustre, Kathryn Bernardo ang mga buhay nila hindi lang bilang mga aktres, kundi bilang mga negosyante na rin.

At siyempre, hindi rin paka­kabog si Liza Soberano, na nga­yon nga ay negosyante na rin.

Si Liza nga ang may-ari ng Hope Hand and Foot Wellness na makikita sa Tomas Morato, Quezon City.

“Wellness impacts more than meets the eye. It is all about ma­king us feel better holistically, from head to toe, body to soul. I am great believer that wellness is essential in making us the best version that we can be,” sabi ni Liza.

Pero siyempre, sobrang kinilig ang mga dumalo sa grand opening ng negosyo na ito ni Liza, dahil biglang-bigla ay may isang guwapo na lang ang sumulpot sa lugar na ‘yon, at may bitbit na bulaklak.

Eh, sino pa nga ba, kundi ang ‘boyfriend’ niyang si Enrique Gil, na todo-suporta talaga sa pagnenegosyo ni Liza. Paghahanda na kaya ‘yon sa future nila?

Pero sa totoo lang, kahit halos araw-araw silang magkasama, kapag tinitingnan ko si Liza, o ang Instagram post nila ni Enrique na magkasama sila, feel na feel mo ang kilig sa mukha ng dalaga. Parang araw-araw kasing pinakikilig ni Enrique si Liza, eh.