Una sa Balita

Liyamado ang San Miguel

0 254

Defense minister
Humatol, humusga at namili na po ang taumbayan sa kanilang mga kandidato.

Papuri sa Comelec sa maayos nilang trabaho.

Sa mga bagong nanalo tulad nina Sen. Bong Go, Congw. Christine Meehan Singson ng Candon Ilocos Sur, Mayor Tita Baja Gallentes ng Garcia Hernandez Bohol, “Aerial Voyager” Mayor Vergel Meneses ng Bulakan, Bulacan, PBA Partylist na nakakuha ng first seat, Charlton Uy ng Cabatuan, Isabela, Coun. Dondon Hontiveros ng Cebu, Mayor Biron ng Barotac Iloilo, Mayor Francis Zamora ng San Juan City, Board Member Jestoni Alarcon (1st District) Rizal at Mayor Joric Gacula ng Taytay, Rizal congrats po.

Marami din biggest upset sa history ng politika sa ating bansa tulad ng nangyari sa San Juan City na sa pangalawang pagkakataon nasungkit na ni Francis Zamora kontra kay Janella Ejercito, Pasig City Vico Sotto laban kay Mayor Eusebio, Makati sa pagka-Kongreso na tinalo ni Kid Peña si VP Binay at Edgar Labella naungusan si Tommy Osmeña.

Taumbayan ang panalo dito kapag ang napili nilang kandidato ay tumupad sa kanilang pangako.

Itong election ay isa sa pinakamagastos na laban, nabanggit na mismo ng ating Pangulong Digong. Lahat ay guilty sa vote buying kaya kapag ikaw ay nagbalak kumandidato sa susunod na halalan, tiyakin mong malalim ang iyong bulsa, maganda ang iyong partido at higit sa lahat malinis ang iyong pangalan.

***
Sa balitang PBA, sino kaya ang makakakuha ng korona SMB o Magnolia Hotshots?

Kung titingnan natin, napakaliyamadao ng SMB sa sitwasyon kung pagbabasehan natin ang mga kampeonato nila at experience.

Pero kung titingnan natin sa inilalaro ng Hotshots, parang huli nila ang strategy ni Coach Leo Austria.

Tip sa laban, kapag gumawa ang mga shooter or supporting cast ni June Mar Fajardo sa laro, tiyak kampeon ang SMB.

Ito ay dahil sa napaka-consistent sa laro ni June Mar. Kaya kailangan niya ng matinding tulong sa labas para lumuwag ang loob.

Sa Hotshots, kapag maganda inilaro ng tatlong guwardiya na sina Barroca, Jalalon at Melton tagilid ang SMB.

Samahan pa ito ng magandang depensa at pagpasa ng bola ni Paul Lee, gagaang ang laban.

So saan kayo mga masugid na tagasubaybay ng PBA tataya?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy