Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Living with the virus sa Japan

0 126

Isa ang Japan sa mga bansang itinuturing na modelo sa pag-manage ng Covid-19 pandemic. Tinawag na “Japan Model” ang approach nila na limited testing, walang lockdown, at walang puwersahan sa pagsara ng mga negosyo.

Pero pagkatapos luwagan ang mga patakaran at isulong ang kampanyang “Go to Travel“ para sa domestic tourism, muling lumitaw ang mga kaso ng Covid-19, hindi lamang sa siyudad kundi pati sa mga prefectures.

Mukhang napaaga ang pag-aalis sa state of emergency sa layuning ma-normalize ang ekonomiya ng Japan, kahit hindi pa ganap na kontrolado ang pandemic.

Palaisipan ang pagkalat ng coronavirus sa Japan dahil likas na disiplinado ang mga Hapon at normal ang pagsusuot ng face mask, kahit noong wala pa ang covid.

Sa kabila nito, mababa pa rin ang death rate sa Japan, at kaunti lamang ang kaso ng Covid19 kumpara sa Pilipinas. Dahil ilang daan lamang ang nasa kritikal na kondisyon, maluwag pa ang mga hospital sa Japan.

Kamakailan, nagbago ng strategy ang Japan. Naniniwala si Shigeru Oo, chairman ng Japanese government committee, na aabutin pa ng isa’t kalahating taon bago magkaroon ng mabisang bakuna laban sa coronavirus; kailangan matuto ang mga Hapon na mamuhay na may virus sa kapaligiran.

“New Rules of Life” ang tawag sa bagong approach ng Japan sa coronavirus. May tatlong basic rules na mahigpit na ipapatupad: (1) Laging panatilihin ang distansiya sa ibang tao, (2) Laging magsuot ng face mask, at (3) Laging maghugas ng kamay.

Narito ang mga detalyadong bilin sa mga mamamayan ng Japan:

1. Dumistansiya ng dalawang metro sa ibang tao.

2. Hangga’t maaari, maglaro sa labas ng bahay.

3. Iwasan makipag-usap ng face-to-face.

4. Pag-uwi ng bahay, hugasan ang mukha at damit na isinuot.

5. Maghugas ng kamay pagkatapos humawak sa kamay ng iba.

6. Gamitin ang electronic payment system at online shopping.

7. Isang tao lang ang pupunta sa supermarket, pero piliin ang oras na hindi matao.

8. Iwasang humawak sa mga paninda at display.

9. Huwag makipag-usap habang nasa loob ng public transport.

10. Kung kakayanin, maglakad o magbisikleta papasok sa trabaho

11. Gumamit ng electronic business cards.

12. Gamitin ang video conference kung magpupulong

13. Kung magpupulong, limitahan ang bilang ng dadalo, magsuot ng mask, at buksan ang bintana para dumaloy ang hangin.

14. Work at home, o bumiyahe kung hindi na rush hours.

15. Huwag maglakbay sa mga bayan na malala ang virus.

16. Huwag umuwi sa Japan para lang bumisita sa kamag-anak; kontrolin ang mga business trips.

17. Kung magka-sintomas, ilista kung saan nagpunta at sino ang mga nakasalamuha.

18. Kung may kasama, huwag kumain na face-to-face; preferably side-to-side.

19. Iwasan ang salu-along pagkain; kanya-kanyang plato at mangkok muna.

20. Bawasan ang kuwentuhan habang kumakain; kumain ng maraming gulay.

21. Iwasan ang kumain nang maraming kasabay.

22. Iwasan ang “closed spaces, dense crowd flow, intimate contact”.

23. Kunin ang temperatura tuwing umaga bilang pagbabantay sa kalusugan

24. Isara ang toilet cover bago mag-flush.

25. Huwag tumagal sa masikip na lugar.

26. Sa paglalakad o jogging, huwag maramihan at staggered ang distansiya sa isa’t isa.

Marami rito ay maaaring gawin din nating mga Pilipino. Kung makakatulong sa kaligtasan at kalusugan ng lahat, bakit hindi?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.