Una sa Balita

Live stream ng sabong ipapalabas

0 1,193

MAGKAKAROON na ng live streaming ang mga sabong ng Philippine Cockfighting International, Inc. (PCII) para mapanood ng mga sabong aficionado sa buong mundo.

Ang isa sa mga dahilan kung bakit naisipan nila ito ay para sa mga sportsmen na naging passion na para sa kanila ang sabong.

Binuo ang PCII nitong Hunyo 2018 para magkaroon ng live stream na sabong sa mga rehistradong establisyimento sa labas ng Pilipinas.

“PCII’s thrust is to maintain fairness and integrity of cockfighting as presented to the outside world,” sabi ng PCII sa isang statement.

Para masigurong nasa tama ang lahat, nabigyan ng lisensya para mag-operate ang PCII ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR).

“PCII’s main mission is to bring the Philippine Cockfighting heritage to the world. It is something we would like to do. But we plan to do this with the seal of responsible gaming with the guidance of PAGCOR.”

Malaking bahagi na ng kulturang Pinoy ang sabong at patuloy ang pag-angat at pagkilala nito sa buong bansa.

“Because of these, there is an abundance of exciting sabong matches to be filmed. This will allow PCII the opportunity to package and stream a diversity of first class fights from reputable and fully licensed cockpits nationwide,” sabi pa sa statement.

“As much as we want to uphold this great Filipino tradition of sabong, we also would like to ensure that everything we do is above board.” (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More