Una sa Balita

Live-in tinodas bago nagpakamatay

By
0 2

Kapwa sa hukay humantong ang buhay ng mag-live in partner na nagkaroon ng mainitang pagtatalo dahil lamang sa selos, kamakalawa ng gabi sa Rosario, Cavite.

Batay sa nakalap na ulat ng Abante sa Rosario Municipal Police Station, nag-iinuman sa labas ng kanilang bahay ang mag-live in na sina Janice Balistero Limyoco (30) at Marvin Tajo­ner Legaspi (35), sa Park Ville Subd. Bgy. Sila­ngan I, Rosario, Cavite, kasama ang tatlo pa nilang kaibigan.

Sa kalagitnaan ng inu­man ay pumasok umano ng bahay ang magkarelasyon at naulinigan nilang nagtatalo tungkol sa pinagseselosang lalake ng suspek na si Marvin, ilang minuto pa ay sigawan at lagabugan na ang kanilang naririnig sa loob ng bahay, at nang sipatin ay nakitang naliligo sa sariling dugo ang dalawa.

Dead-on-arrival sa ­Divine Grace Medical Center ang suspek sanhi ng tatlong saksak sa dibdib, habang nasawi naman habang nilalapatan ng lunas si Janice, na may dala­wang tama ng saksak sa kaliwang dibdib, isa sa sikmura at isa sa kilikili.

Nakuha sa kamay ng suspek ang murder weapon, na pinaniniwalaang ginamit ng suspek upang magpakamatay ng makitang nakahandusay ang karelasyong biktima.