Una sa Balita

Live coverage sa hatol ng mga Ampatuan

0 337

PINAYAGAN ng Supreme Court (SC) ang live media coverage sa promulgasyon ng Quezon City Regional Trial Court sa Ampatuan massacre case sa 58 indibiduwal kabilang na ang 32 kagawad ng media noong Nobyembre 23, 2009.

Sa ginanap na press briefing, sinabi ni SC spokesperson Brian Keith Hosaka na limitado lamang ang bilang ng media personnel na papayagan sa loob ng court room para matiyak na magkakaroon ng kaayusan sa loob ng korte.

“This will be a formal and official court proceeding and we want to maintain order,” ayon kay Hosaka.

Tanging mga accredited media personnel lamang ang papayagan na makapasok sa BJMP compound sa Camp Bagong Diwa kung saan nandoon ang QC Jail annex sa Disyembre 19.

Sanhi ng limitadong espasyo at dahil sa seguridad na rin dalawang camera lamang para sa judge at sa magbabasa ng desisyon at ang isa ay para sa mga abogado at partido ang papayagan sa loob ng korte at ito ay magmumula sa PTV-4.

Ang PTV4 cameras ay ikokontrol ng SC Public Information Office (SCPIO) at ang local at foreign media outfit ay papayagan na mag-hook up sa cove­rage.

Sinabi rin ni Hosaka na walang cellphone, camera, audio video recording equipment ang papayagan sa court room maliban sa equipment ng PTV4 at SCPIO.

Gayundin, hindi papayagan ang mga media na mag-interview bago at sa oras ng mismong promulgation of judgment sa loob ng court room.

“We are thinking of coming up with an interview area,” ayon kay Hosaka.
May 197 akusado, kasama na si Andal Ampatuan Jr., ang sinampahan ng multiple murder.

Kabilang sa mga biktima ang asawa ni Maguin­danao Gov. Esmael Mangudadatu na noon ay kasama sa convoy para maghain ng certificate of candidacy ni Mangudadatu para sa halalan noong Mayo 2010. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy