Una sa Balita

Little Mayor suki ng gay bar

By
0 28

Mukhang dapat na raw lumipat ng ibang bayan ang isang mataas na opisyal sa lalawigang kapitbahay ng Metro Manila dahil mas madalas raw ito sa ibang lugar kesa sa kanyang munisipyo.

Sa sumbong ng ating Amuyong, mas mara­ming oras ang ginugugol ni Mr. Admin sa kanyang ibang aktibidad kumpara sa kanyang tungkulin.

Kahit daw mabigat ang mga tungkulin ni Sir sa munisipyo, bihira itong nakikita sa kanyang tanggapan dahil mas abala sa kanyang extra-curricular activities.

Sa bulong ng ating Amuyong, madalas nakikita ang opisyal sa mga club sa Quezon City para mag-enjoy at kasabay nito ay ang paghahanap ng kanyang makaka-partner.

Pero sa impormasyon, hindi babae ang hanap ni Sir at hindi ito kuntento sa isa kundi dalawang guwapo ang laging gustong take out nito.

Dinadala raw ni Sir sa kanyang condo unit ang mate-take out na mga guwapings at doon ay lalanguin muna nito sa alak at droga bago niya hilingin na paligayahin siya ng mga ito.

(ang tindi ni sir).

Ang ating bida ngayon ay mula sa lalawigang kilala sa masarap na chicharon at si sir ay may lahi atang ET as in Echoserong Tagapaglingkod.