Una sa Balita

Litrato na Hubad (3)

0 1,211

Dear Dra Holmes: (shortened Feb 6 letter)

Sinabi nya sa indiano, na wala na sya love sa akin… meron din sya karelasyon pakistani at ganon din gawa nya… may nabasa din ako na balak pupunta ang indiano dito sa pinas para magmeet sila…sa mga salita ng indiano, puro sex ang hangad sa asawa ko…doc, may sakit kaya asawa ko?

Ano kaya gawin ko para mailigtas aking pamilya?

May balak na ako na confrintahin sya at makipaghiwalay sa tamang panahon… (ayoko sana), pero kung ganoon talaga hindi maayos, wala na ako choice

Dear Rico:
Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish ng buo noong Pebrero 6. Sa huling kolum natin noong Biyernes, Pebrero 8, sinabi ko na mas mada­ling maghanap ng solusyon kung gumaganti ang asawa mo dahil sa iyong pambababae, pero tila hindi ito ang problema ninyo.

Tila nagugustuhan ng asawa mo magsalita tunkol sa mga paksa at litratong sekswal. Maaaring ngayon lang siya nakaranas ng ganito, kaya sinasagad niya ang karanasan na makukuha rito. Tila rin na-diskubre ng asawa mo na masarap din palang magkaroon ng maraming lalakng naghahabol sa iyo. Maaring nagla­laro ang siya at wala siyang balak makilala sila na personal. Maaari, pero kahit handa siyang magkita sila, wala ka talagang magagawa, maliban na lamang kung kausapin mo siya ng masinsinan at ipakita mo kung gaano mo siya kamahal.

Wala siyang sakit, Rico, kaya walang gamot na maiinom siya para mawala ito. Ang pinakamagandang solusyon talaga ay magkaintindihan kayo.

Kung hindi mo siya tinaksil at kung magaling naman ang pag-alaga mo sa asawa mo, malamang babalik siya sa iyo kung maganda and iyong pakitungo.­ Maganda dahil hindi nangbibintang o nanunumbat ang iyong dating.

Maaaring tanungin mo sa kaniya ang nabasa mo sa cell phone niya, at kung mapigil mo na akusahan siya, mas magaganado siya magsabi ng totoo at hindi lamang labanan ka.

Mahirap para sa iyo ang nangyayari ngayon, Rico. Pero kung talagang determinado kang iligtas ang pamil­ya mo (gaya ng sinabi mo sa sulat mo) ang pasensya ay makakatulong ng malaki. Ingat at good luck—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr. Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy