Una sa Balita

Lito super hiya sa ‘relasyon’ kay Angel

By
0 1,188

Ay si Pinuno…pa-picture nga po!”

Ito ang sigaw ng isang may edad na babae kasama ang kanyang pamilya habang tuwang-tuwa na nakita si Senatoriable Lito Lapid sa coffee shop ng Camelot Hotel habang sini-celebrate namin intimately ang birthday ng kanyang anak na si Mark Lapid na katulad niya ay may recall talaga ang naging papel sa long-running primetime teleserye na “Ang Probinsyano.”

Bilang si Pinuno, patay na ang character ni Sen. Lito, pero ang tatak na iniwan ng kanyang karak­ter ay buong-buo pa rin sa madlang pipol.

Kaya nga dahil dito ay ginawa na niyang hashtag sa kanyang kampanya ang pangalang ito.

Ayon pa sa tsikahan namin, kung saan nag-recall kami ng love team nila ni Angel Aquino, hindi raw niya akalain na ma­ging ito ay sinuportahan ng audience, dahil nu’ng nasa planning stage sila nito, parang alangan daw siya dahil may edad na siya.

Pero, si Coco Martin daw ang nagbigay sa kanya nang lakas ng loob para pumayag, at ‘yun nga, nag-click naman.

Mahaba ang exposure niya sa nasabing tele­serye na nami-miss na raw niya ang mamundok.

Anne natulala sa b-day message ni Dua Lipa

Hindi makakibo at nakanganga lang talaga si Anne Curtis matapos makita at marinig ang isang special birthday greeting para sa kanya ng kanyang paboritong international singer na Dua Lipa.

Para talaga siyang on the state of shock habang ipinalalabas ito sa “It’s Showtime” kaya hanggang sa Instagram ay dinala niya ang kanyang sobrang kaligayahang ito.

Fan girl na fan girl talaga ang datingan ni Anne, na kinunsider pa niyang best birthday gift ito so far sa kanya dahil sino nga naman ang mag-aakala na mag-i-effort ang “It’s Showtime” fami­ly na kunan ng greeting si Dua Lipa.

Ngayon pa nga lang ay excited na siya na muling mapanood ang sunod na concert ni Dua Lipa dito sa ating bansa kahit wala pa namang announcement kung magkakaroon pa dito o kung kailan nga ba.
Kung matatandaan ay pinag-usapan noon ang super hyper-reaction ni Anne habang nanonood ng concert ni Dua Lipa sa MOA noong September last year.

Talaga namang mega-sigaw siya habang nagpi-perform ang internatio­nal pop star kahit isa rin siyang celebrity at keber niya sa sasabihin sa kanya ng mga utaw.

Siguro nga ay tumatak din ito kay Dua Lipa kaya binigyan din niya ng time para i-greet ang kanyang number one fan sa kanyang birthday.
Bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy