Una sa Balita

Lito Lapid tumulong sa mga Taal evacuee

0 401

Nagbigay din ng donasyon sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal si Senador Lito Lapid.

Pinaabot ng actor-politician ang kanyang tulong kamakalawa, Ene­ro 23, sa pamamagitan ng kanyang anak na si dating Porac, Pampanga mayor candidate Mark Lapid.

Ang mga benepisyaryo ng donasyon ng senador ay mga bakwit na nasa evacuation center sa Brgy. Muzon sa Alitagtag, Batangas.

Ayon sa pinakahu­ling update ng National Disasater Risk Reduction and Management Council kahapon, higit 317,000 katao na mula sa mga lalawigan ng Batangas, Quezon, Laguna at Cavite ang apektado sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal. (Riley Cea)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More