Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lito Lapid: Paliparan sa Clark ipangalan kay Macapagal

0 182

Inihain ni Senador Lito Lapid ang isang panukala na naglalayong ipangalan kay dating Pangulong Diosdado Macapagal ang Clark International Airport sa Pampanga.

Sa Senate Bill No. 1861, sinabi ni Lapid na layunin na kanyang panukala na parangan ang ‘achievement’ at ‘legacy’ ni Macapagal, ang unang Kapampangan na naging presidente ng Pilipinas.

Taong 2003 nang baguhin ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pangalan ng Clark International Airport at ginawang Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) bilang parangal sa kanyang ama na pumanaw noong 1997. Subalit ibinalik ang pangalan nito Clark International Airport noong Pebrero 2012.(Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.