Una sa Balita

Lito Lapid lider na may puso — Aksyon Demokratiko

0 329

By Mia Billones

Inihayag ng partidong Aksyon Demokratiko (Aksyon) ang kanilang pag-endorso sa kandi­datura ni dating senador Lito Lapid para sa eleksyon sa Mayo 13.

Ayon sa chairman ng Aksyon na si dating Tarlac congressman Hermie Aquino, inendorso rin nila ang mga kandidato ng Otso Diretso dahil naniniwala ang partido sa kakayahan, integridad at talino ng mga kandidato ng oposisyon.

Inendorso rin ng partido si Lapid na ama ng senatorial candidate ng Aksyon Demokratiko noong 2016 na si Mark Lapid.

“Si Pinuno (Lito Lapid) ay lider na may puso, may sariling disposisyon at may paniniwala sa kakayahan ng mga Pilipinong umahon mula sa kahirapan. Tutulong siya na maitulak ang mga programa at agenda ng Aksyon para sa mahihirap na Pilpino,”dagdag pa ni Aquino.

Ang Aksyon Demokratiko ay kabilang sa oposisyon koalisyon kasama ang Liberal Party, Magdalo at Akbayan. Itinatag ng yumaong da­ting senador Raul Roco ang Aksyon noong 1997 kasama sina Atty. Lorna Kapunan at Sen. Leila de Lima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy