Una sa Balita

Litid sa tuhod ni Almazan punit

0 425

Finals Game 4 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
6:30pm – Conference Awards
7:00pm – Gineb­ra vs. Meralco
(Gin Kings lead series, 2-1)

GUMEWANG bigla ang kampanya ng Meralco sa PBA Go­vernors Cup Finals nang makumpirmang inabot ng injury sa kaliwang tuhod ang poste nilang si Raymond Almazan.

Lumabas sa resulta ng MRI sa Makati Med na nagkaroon ng lateral meniscal tear ang 6-foot-8 slotman, nakuha wala pang 6 minutes ang nauubos sa first quarter ng 92-84 Game 3 loss ng Bolts sa Ginebra noong Linggo.

Iwan ang Meralco sa best-of-seven 2-1, mas malamang na hindi makakalaro si Almazan sa Game 4 ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ganitong injury, may posibilidad pang hindi na makabalik sa buong series si Almazan.

Pagkatapos ng Game 3 loss, sinabi ni coach Norman Black na hahanap sila ng paraan para ma-camouflage ang averages ng kanyang center na 17.5 points, 11 rebounds at 1.5 blocks sa series.

“Or at least try to fix it,” pahayag ni Black na inaasahang pipiga kina Raymar Jose, Bryan Faundo at veteran Reynel Hugnatan.

Nang mawala si Almazan ay namiyesta sa pag-atake sa basket sina Japeth Aguilar at Stanley Pringle, pati si Justine Brownlee ay hindi nagawang pigilin ni Allen Durham.

Sa third, hinarabas ni Pringle ang 17 sa kanyang 21 points nang kumalas ng hanggang 23 ang Gin Kings. Tumapos si Brownlee ng 24 points, 9 rebounds at 9 assists, nagkaroon ng block party si Aguilar sa binutatang 7 shots palamuti sa kanyang 23 points.

Bago ang Game 4 ay ibibigay muna ang Best Player of the Conference at Best Import awards. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More