Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Litaw singit: Bea mukhang lasinggera, hubadera

0 320

Papunta na ba talaga si Bea Alonzo sa pagiging sexy star at gusto niyang isantabi na ang wholesome image niya.

Akala ng mga fan ay hanggang pagpu-pose lang ng naka-bikini ang gagawin ni Bea para sa isang liquor brand calendar, pero sa bagong social media post niya ay nagmukhang manginginom na ang aktres.

Sa ad campaign na pinoste niya sa Instagram, nakaupo si Bea at lantad ang kanyang mga hita na nakataas.

Kung hindi nga lang natakpan ng kanyang paa ang singit niya, baka lumuwa sa madla ang kanyang bulaklak.

Sa picture, hawak-hawak ni Bea ang baso na may lamang alak habang nakatingin sa kawalan.

Sa ayos pa lang ni Bea para na itong sexy star, na nagyaya ng inuman.

Umiinom naman si Bea ng alak, base sa kanyang mga post kasama pa ang dyowang si Dominique Roque.

‘Yun nga lang sa ayos nitong sensual ang dating, hindi maiwasang maisip naming mukhang sexy star na ang aktres.

Pero walang dudang napakaganda ni Bea, at walang lalakeng hindi malalasing sa kanyang kaseksihan. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.