Una sa Balita

Liquor ban inutos sa Quezon City

0 692

Pinatutupad na ang liquor ban sa Quezon City habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Base sa inilabas na Executive Order no. 24 ng pamahalaang lungsod, sinimulan ang liquor ban noong Marso 26 hanggang matapos ang enhanced community quarantine, ayon sa Quezon City local government Facebook page.

Nakasaad sa kautusan na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak at pag-iinuman sa mga pampublikong lugar.

Sinomang lalabag sa kautusan ay papatawan ng parusa na naaayon sa batas. (Riz Dominguez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More