Una sa Balita

Lipstick ni Maine niyanig ang Twitter

0 2,819

Niyanig ng mga fan ni Maine Mendoza ang Twitter para sa launching ng kanyang shade ng lipstick para sa isang international brand ng cosmetic nu’ng Huwebes sa Mall of Asia Arena.

Aba, hanggang kahapon nang umaga, patuloy pa rin ang tweet ng fans kaya ­umabot na ito sa halos 600k tweets, huh! Patunay na mabagsik talaga ang Phenomenal Star pagda­ting sa Twitter!

Sa interview kay Meng, hindi muna niya ibinisto kung anong shade ng lipstick niya. Ibinalita lang niyang magkakaroon ng launch ng lipstick sa isang online shopping store sa September 21 at sa September 23 ay avai­lable na ito sa nationwide stores ng cosmetics.

“I cannot give any hint sa shade ng lipstick but they can wear it any time of the day. I want every woman to be able to wear it. I don’t want any striking color, striking shade. I want it to be simple,” pahayag ni Maine.

Mikee kinikilig kay Nora

Kumambiyo naman sa drama si Mikee Quintos matapos magpakikay sa mga nakaraang Kapuso show gaya ng Encantadia at Sirkus. Heavy drama naman siya sa coming fa­mily drama na Onanay dahil umiiyak at api-apihan ang character.

“Sobrang effort at lumawak ang range ko. Sobrang layo kaya ni Maila (character niya sa Onanay) kay Lira sa Encantadia. Kung comedy si Lira, heto, heavy drama.

“It requires more effort for me dahil mas malapit ako kay Lira. Makulit talaga ako! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Mikee sa mediacon ng Onanay.

Nakatulong sa Kapuso artist ang ginawang workshop kay Anthony Bova. “Nabibigyan kami ng lakas ng loob para harapin ang ganitong range kaya excited akong gamitin ‘yung natutunan namin sa workshops pati na kay Direk Gina (Alajar),” saad niya.

Kumusta namang katrabaho si Nora Aunor na lalabas na lola niya?

“Sobrang kilig ako! Sobra as in sila ‘yung mga artstang sini-search ko para pag-aralan ang kanilang trabaho. Kasi siyempre classic. Saka sobrang respect.

“Being in the scenes with her, pag cut, sobrang kinikilig pa rin ako. ‘I love you, ‘Nak!’ Gaganyan siya. Ako naman ‘yung, ‘Oh my gosh! Nangyayari ba ito?’ Ha! Ha! Ha! Si Ms. Cherie (Gil) nakatrabaho ko rin sa Sirkus,” sey niya.

Kahit abala sa showbiz, tuloy pa rin sa kanyang pag-aaral ng architecture sa UST si Mikee. Gusto niyang mapanindigan na tapusin ang pag-aaral.

Teka, bakit may tsismis na nililigawan siya ni Andre Paras?

“Ano sinabi niya? Friends kami ni Dre. Napag-uusapan namin minsan. Hindi naman maiiwasan na nilalabas na article. Sabi namin ni Dre, wala namang nagmamadali. I’m not closing my doors on anyone!” deklara ni Mikee.

“Ang dami kong ginagawa, work, school. Pag nasabayan ng heartache ‘yon, kayanin ko pa kaya? Ha! Ha! Ha!” dugtong ng Kapuso artist.