Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lipstick bawal sa laway test kontra coronavirus

0 306

Nanawagan ang isang opisyal ng Philippine Red Cross (PRC) na huwag nang maglagay ng lipstick, ang mga babae o beki, na nagbabalak na magpa-saliva test para sa COVID-19.

“Huwag po kayo maglagay ng lipstick kasi `yong kulay pula humahalo siya sa laway at kontaminado na kaagad ang specimen,” ayon kay PRC molecular laboratory chief Dr. Paulyn Ubial sa panayam sa radyo.

Samantala, para marami aniyang maka-access sa saliva test balak ng PRC na makipag-ugnayan sa mga mall para magamit bilang drive-thru sa COVID-19 testing.

“Hindi na nila kailangan na bumaba ng kotse bibiyan na lang sila ng medical kit at doon na lamang sila dudura at saka ibibigay ang specimen sa mga coordinator,” ayon kay Ubial. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.