Una sa Balita

Lips ni Ritz natikman ni Jobert Austria

0 96

Sa pagpapatuloy ng ika-9 na anibersaryo ng Banana Sundae noong Linggo (Nov. 19), bumalik ang Banana-kada sa Bohol.

Mahalaga para sa programa ang naturang lugar dahil magkakasama sila noong niyanig ito ng lindol noong 2013 para din mag-shoot ng anniversary special.

Nakakataba ng pusong mapanood ang pagbabalik nila sa Bohol dahil nagbigay sila ng tulong at pabahay sa apat na pamilyang napinsala ng lindol.

Nag-celebrate din ng birthday si Jobert Austria na kamakailan ay nanalo ng Best Comedy Actor sa Star Awards for TV.

Mukhang may bonus pang regalong natanggap si Jobert matapos niyang mahalikan si Ritz Azul sa labi sa panimulang performance ng palabas.

Samantala, nakakatuwa ring makita ang pagbabalik ng mga nakagiliwang panggagaya nina John Prats kay Kuya Kim at Angelica Panganiban kay Kris Aquino bilang sina Kuya Keem at Krissy.