Una sa Balita

Lipat-bakod ni Kiray ‘di kawalan ng Dos!

0 906

abante-anything-goes-jun-lalinWow, pa­rang ang bongga naman ng paglipat ni Kiray Celis sa GMA 7 from ABS-CBN, huh!

Parang sobrang big deal ‘yon sa iba, ‘noh?!

As if naman major star ng Dos ang lumipat sa Siyete, pero hindi naman at lalong wala namang iniwang show sa Kapamilya network si Kiray nang mag­desisyon siyang mag-ober da bakod sa Kapuso network.

Mas magiging bongga kung ang lilipat sa Siyete ay katulad nina Bea Alonzo, Erich Gonzales, Sarah Geronimo o ‘yung mga ka-league nila, huh!

Anyway, dahil malapit na ang New Year, ang wish ko kay Kiray this 2019 ay matamo na sana niya ang inaasahang tagumpay ngayong isa na siyang Kapuso star at kasama pa sa new teleserye nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado!

Richard thankful sa maayos na lagay ng ina ni Sarah

Free day ni Richard Gutierrez noong Thursday dahil wala siyang naka-schedule­ na promo for Fantastica, ang Metro Manila Film Fetsival 2018 official entry ng Star Cinema at Viva Films kung saan kasama niya si Vice Ganda.

Dahil wala siyang traba­ho that day, maghapon siya sa hospital room ng nanay ni Sarah Lahbati, si Tita Esther, na nalu­nod sa Siargao.

Siyempre kasama ni Richard na nagbantay that day kay Tita Esther si Sarah, pati ang mga anak niyang sina Zion at Baby Kai.

Mukhang happy at okey na rin naman si Tita Esther lalo na alagang-alaga siya ng mister na si Abdel Lahbati at nandoroon din sa kanyang hospital room ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama na sobrang nag-worry sa kanya.

Ang wish nga ni Richard for Sarah’s mom ay ang gumaling ito kaagad para matuloy ang pagpunta ng mag-asawa sa Korea at Japan (mamayang hapon sila nakatakdang umalis ng bansa, pero hindi pa raw talaga sure kung papayagan si Tita Esther ng kanyang mga doctor).

“We’re all thankful na nakaligtas si Tita Esther. Sobrang pasasalamat din namin sa lahat ng mga tumulong sa kanya sa Siargao,” sabi ni Richard na favorite pa namang puntahan ang lugar na ‘yon.

Samantala, bukas ay isa si Richard sa Fantastica cast na sasakay sa float ng kanilang MMFF 2018 official entry.

Ilang oras din ang MMFF 2018 Parade, pero for sure raw ay hindi sila maiinip lalo na at kasama nila si Vice na sobrang daming kuwento na nakakaaliw raw talaga kapag magkakasama sila.

“During our shooting nga, kahit ina­abot kami ng halos umaga sa set, pala­ging masaya dahil marami ngang kuwento si Vice,” sabi pa ni Richard.

Sa Christmas na opening day nga pala ng Fantastica ay magkakasama sina Richard, Vice at iba pang cast ng pelikula na maglilibot sa mga sinehan around Metro Manila para personal na pasalamatan ang mga manonood ng pelikula.

Anne gulat sa pagbabalik ‘Pinas ni Raymond

Nang makita ko sa premiere night ng Aurora ang bidang si Anne Curtis, napagkuwentuhan namin si Raymond Gutierrez.

Sabi ko kay Anne, pabalik na ng bansa si Raymond (ngayon ang dating niya).
Mukhang sa sobrang busy ni Anne sa Aurora ay hindi sila nakakapag-usap lately ni Raymond, kaya ang reaction niya ay, “Akala ko ba three months siya sa L.A. (Los Angeles, California)? Bakit uuwi na siya?”

“Manonood ng Fantastica at Aurora,” ang birong sabi ko at natawa si Anne.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy