Una sa Balita

Lions kakatayin ni Yu, Knights

0 307

Finals Game 2 ngayon: (Mall of Asia Arena)
4:00pm — San Beda U vs Letran
(Knights lead series, 1-0)

NAKAUNA ang Letran Knights sa Game 1 ng best-of-three finals ng 95th NCAA men’s basketball tournament kaya muli nilang kakapitan si Fran Yu pagharap nila sa defending champion San Beda University (SBU) Red Lions.

Magsisimula ang Game 2 alas-4:00 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, posibleng tapusin na ng Intramuros-based squad Knights ang serye kapag pumutok muli ang laro ni Yu na naging bayani sa panalo nila sa Game 1 nitong Martes.

Tumikada si Yu ng 10 points, anim na assists at tigatlong rebounds at steals sa Game 1, nakakuha siya ng tulong kina graduating veteran Jerrick Balanza at Bonbon Batiller.

Kumana si Batiller ng 12 puntos habang 10 ang inambag ni Balanza.

Duguan na sasalang sa Game 2 ang four-peat seeking Red Lions pero mananatili ang kanilang bangis para makahirit ng do-or-die Game 3.

“We are looking forward to having a fresh mind and being ready on Friday,” hayag ni San Beda head coach Boyet Fernandez.

Ibabandera naman ni Fernandez ang kanyang malulupit na bataan na sina Evan Nelle at season Most Valua­ble Player (MVP) Calvin Oftana.

Isa sa naging dahilan ng pagkatalo ng Red Lions ay ang maraming mintis lalo na sa tres.

“The problem is we weren’t able to convert from deep. We were the no. 1 team from three-point up to the Finals, but it left us today,” hayag ni Fernandez pagkatapos ng Game 1.

Dumiretso sa championship round ang San Beda nang walisin nila ang 18-game eliminations. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy