Una sa Balita

Linya ng MRT gawin na lang bus lane

By
0 50

Mahirap ma-ospital lalo na kung walang pambayad.

Kahit na may pera, bawal magkasakit dahil kapag na-‘confine’ sa hospital lalo na sa pribado, parang ­metro sa taxi ang bayarin. Bawat kibot may ba­yad, ultimong kaliit-liitang bagay ay may halaga.

Kaiba naman ang sitwasyon sa mga ­ospital ng gobyerno.

Libre ngang natu­ringan, pero talaga namang pahirapan ­bago ma-admit, sa dami nga naman ng mahihirap na pasyente.

***

Sa usapin ng ‘public health’, kitang-kita ang napakalaking agwat sa pagitan ng mga maya­yaman at mahihirap.

Kapag mayaman, ang pinakamodernong serbisyong-medikal ay makukuha. Kapag walang pera, kahit sa ‘charity ward’ ng ospital ng gobyerno, pahirapang makakuha ng ‘slot’.

Magkaminsan, kailangan ding lumuwal ng pera, pambili ng gamot na wala sa ospital ng gobyerno dahil na­ubos at hindi pa dumadating ang suplay.

Nakapanghihina na makita ang sitwasyon sa mga ‘emergency ward’ ng ospital ng gobyerno.

Sana ito ang bigyan ng malaking pondo ng gobyerno.

***

Sa anumang umpukan, tampok sa palitan ng mga kuro-kuro at opinyon ang usapin ng ‘decongestion’ o pagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa EDSA.

Ang dami nang oplan na inilunsad ng MMDA katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno para mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan sa EDSA, pero mukhang lumalala lang ang sitwasyon.

Ang pinakahuli ay ang HOV lane policy, isang linggo makalipas ang ‘dry run’, ikinahon muna pansamantala.

Sa umpukan ng mga nagpi-pingpong sa Amoranto Sports Club, isang player ang nagmungkahi na kung lagi na lang papalpak ang operasyon ng MRT-3, bakit hindi na lang i-convert ang linya ng MRT bilang lane para sa mga Bus.

Kung malabo nang palawakin ang ­EDSA at sobrang mahal ang konstruksiyon ng mga elevated highway ­tulad ng Skyway, ang conversion ng linya ng MRT sa mga pampasaherong bus ay pwede.

May punto ang ­mama sa usapin ng ‘decongestion’ ng ­EDSA. Matuturuan din ang mga pasahero na bu­maba sa tamang babaan at sakayan.

Siguro pwedeng magpatawag ang MMDA ng isang ‘national summit’ kaugnay sa ‘decongestion’ ng EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Dapat ang lahat ng sektor ng lipunan ay imbitado. Padaluhin sa summit ang lahat ng gumagamit ng EDSA, lalo na ang mga pasaway na ­motorista.