Una sa Balita

Lingkod-bayan

By
0 200

Ipagdiriwang po ngayong ika-19 ng Set­yembre ang ika-118 anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC).

Itinatag po ang Komisyon sa Serbisyo Sibil sa bisa ng Public Law No. 5 noong taong 1900 sa ilalim ng pananakop ng mga Amerikano.

Makalipas po ang mahigit isang siglo, nananatiling katuwang ng mamamayan at sandigan ng kaunlaran ang ating mga lingkod-bayan – mula pambansa hanggang mga lokal na pamahalaan.

Kung tutuusin, ang gobyerno po ang pinakamalaking employer sa bansa. Umaabot na po sa 2.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga government worker sa lahat ng sangay ng ating pamahalaan.

Subalit ayon po sa datos ng CSC, nasa 27 porsyento po ng lahat ng mga empleyado sa gobyerno ang “job order” (JO) at “contract of service” (COS) o katumbas po ng 660,390 na mga manggagawa.

Noong isang taon, 120,000 po ang na­bigyan ng trabaho sa gobyerno pero 55 pors­yento po nito o 65,228 ang mga JO at COS.

Kasabay po ng pana­wagan nating tuldukan na ang ENDO at pang-aabuso sa kontraktwa­lisasyon sa pribadong sektor, pinagsisikapan din po nating wakasan na ang kalakarang ito sa gobyerno.

Mahirap pong hikayatin ang pribadong sektor na bigyan ng seguridad sa trabaho ang lahat ng kanilang mga manggagawa kung mismong sa gobyerno, may mga ENDO at kontraktwal din. Sabi nga po, ang nagpapasunod sa batas ang dapat unang sumusunod sa batas

Kaya’t malaki po ang tungkulin ng CSC bilang “Human Resource Department” ng gobyerno, para tiyaking may seguridad sa trabaho at may sapat na pag-aalaga sa lahat ng mga kawani ng gobyerno lalo na po sa ating mga guro, sundalo at health worker.

Noong 2016, sinumite po natin ang Se­nate Bill No. 1164 na naglalayong mabigyan ng permanenteng trabaho sa gobyerno ang mga kontraktwal na nakapagsilbi na ng hindi bababa sa tatlong taon para sa national offices at limang taon naman para sa mga lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, binabati po natin ang CSC sa paglalabas ng Joint Resolution No. 1 kung saan lilimitahan na ang pag-hire ng mga JO at COS sa gobyerno simula ngayong 2019.

Ang panawagan lang po natin ay hindi sana ito magresulta sa pagkawala ng trabaho ng ating mga kababayan lalo na po at aminado naman ang ahensya na napakarami pa ring unfilled positions sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan.

Sa DepEd, umaabot po sa halos 125,000 ang kanilang unfilled positions habang nasa 16,573 lang po ng kabuuang 25,274 bakanteng posisyon sa DOTr ang kanilang napunan.

Layunin po nating iangat ang antas ng trabaho sa gobyerno, lalo na po iyong mga rank-and-file, dahil nakasalalay po ang kalidad ng serbisyo publiko sa dedikasyon at husay ng lahat ng ating mga kawani sa gobyerno.

Mabuhay, mga lingkod-bayan!

Job Fair Schedule
15th Manila Bulletin Job Fair, StarMall EDSA Shaw Blvd.
Mandaluyong City
Setyembre 18-19
POEA Job Fair
Provincial Capitol Auditorium
Batangas City
Setyembre 18-20
Strike Gymnasium
Bacoor Government Center, Bacoor, Cavite

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy