Una sa Balita

Lineman ng GETS dedo sa high tension wire

By
0 312

PATAY ang isang lineman ng Green Earth Telecom Service (GETS) matapos makuryente habang ginagawa ang high tension electric wire sa loob ng tanggapan ng Police Regional Office 2 (PRO-2) sa bayan ng Alcala, Cagayan noong Sabado.

Kinilala ng Alcala Municipal ­Police Station (AMPS) ang biktima na si Saldifer Espanto, 29-anyos, ng nasabing bayan.

Sinabi ng AMPS, pinatawag umano ng PRO-2 si Espanto upang kumpunihin ang electric wiring ng nasabing opisina.

Ayon sa report, umakyat ang biktima sa nasabing gusali at habang nag­lalakad sa bubungan ay nahulog sa ginagawang hukay matapos umanong makuryente sa isang buhay na kable ng kuryente na nakakonekta sa main high tension electric current.

Agad na isinugod ang biktima sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ngunit dead-on-arrival ayon sa mga doktor. Nagtamo ito ng 3rd ­degree burn sa katawan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy