Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lindol walang konek sa aktibidad ng Taal – Phivolcs

0 57

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang naranasang 6.6 magnitude quake na tumama sa Batangas ay dahil sa paggalaw ng Manila trench at walang kinalaman sa aktibidad ng Taal Volcano.

“Ang lindol po kaninang 4:48 ng madaling araw ay sanhi ng pagkilos sa tinatawag nating Manila trench kung saan ang bloke ng bato nangagaling sa West Philippine Sea ay sumusuksok pailalim at umabot dyan sa ilalim ng area ng Calatagan at Mindoro,” paliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum Jr.

“At ito po ay walang kinalaman sa volcanic activity sa Taal Volcano,” dagdag pa nito.

Ayon kay Solidum hanggang alas-10:00 ng umaga ay 100 aftershocks na ang naitala, nasa pagitan ito ng 1 hanggang 5.5 magnitude at may lalim na 88 hanggang 112 km. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.