Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lindol sa Afghanistan mahigit 1,000 natabunan nang buhay

0 41

Sumipa na sa mahigit 1,000 katao ang nasawi habang pumalo na sa higit 1,500 ang sugatan matapos silang matabunan at mabagsakan ng gumuho nilang bahay sa pagtama ng 5.9 magnitude na lindol sa Afghanistan nitong Miyerkoles.

Ayon sa mga awtoridad, nabagsakan at natabunan ang mga biktima nang mawasak ang kanilang mga bahay na yari sa putik matapos umuga at gumuho ang lupa na kinatitirikan ng mga ito bandang ala-1:24 ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga nasawi ay mga menor de edad na natutulog nang mangyari ang pinakanakamamatay na lindol na naranasan sa Afghanistan sa loob ng nakalipas na dalawang dekada.

Patuloy ang ginagawang search and rescue operation sa mga apektadong lugar at inaasahan na umano ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi.

Humingi na rin ng tulong ang pamahalaan ng Afghanistan para sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.