Una sa Balita

Lindol pa rin!

By
0 1

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte at Eastern Samar kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang nasabing lindol ganap na 8:46 ng umaga sa layong 10 kilometro sa silangan ng bayan ng Hernani sa Eastern Samar.

May lalim na 4 na kilometro ang lindol na naramdaman sa lakas na Intensity 1 sa Borongan.

Alas-9:56 ng umaga naman nang yanigin ng magnitude 3.8 na lindol ang Surigao del Norte. Naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Socorro kung saan naramdaman ito sa Intensity 1.

May lalim na 7 kilometro ang lindol at kapwa tectonic ang origin.

Hindi naman inaasa­han na magdudulot ng anumang pinsala sa dalawang probinsya kaugnay ng pagyanig ng lupa.