Lindol nadama sa Metro Manila

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Occidental Mindoro kung saan umabot ang pag-uga sa ilang bahagi ng Metro Manila, Lunes ng madaling-araw
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nasabing pagyanig ay naganap alas-2:16 ng umaga, 31 kilometro timog-silangan ng bayan ng Looc sa Occidental Mindoro.
Sabi ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity IV sa Looc, Lubang, Mamburao, Paluan, at Sablayan na pawang sa Occidental Mindoro; at Tagaytay City.
Intensity II naman sa Makati, Quezon City, Mandaluyong, Malabon, Muntinlupa at Pasig.
Naramdaman din ang Instrumental Intensity II sa ilang lugar ng Metro Manila tulad ng Las Piñas; Instrumental Intensity I naman sa Marikina.
Hindi inaasahang magdulot ng pinsala ang lindol, pero inaasahan ang mga aftershock, ayon sa Phivolcs. (Riley Cea)