Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Limitadong e-sabong aprub sa Senado

0 84

KUNG papayagan ang operasyon ng e-sabong ng susunod na administrasyon, inirekomenda ng Senado na magbuo ng batas kung saan papayagan lang ang operasyon tuwing Linggo at piyesta opisyal.

Sa ilalim ng Committee Report No. 646, sinabi ng Senate public order committee na pinamumunuan ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kailangang magbuo ng batas na kokontrol sa industriya ng e-sabong.

“In case the next administration decides to allow the operation of e-sabong, there is a need to craft a law regulating the e-sabong industry which includes, among others, limiting e-sabong operations to Sundays and legal holidays, almost similar to that provided in Presidential Decree No. 449 or the ‘Cockfighting Law of 1974’,” sabi sa committee report.

“Such regulation will also include clear delineation of powers and functions of government agencies involved in sabong,” dagdag pa roon.

Bukod diyan, sinabi ng komite na dapat magkaroon ng mahigpit na implementasyon ng pagpapataw ng buwis sa mga e-sabong operator kasama ang kanilang mga ahente.

Kailangan din umanong magkabit ng CCTV cameras hindi lamang sa mga betting station kundi maging sa mga lugar kung saan ginagawa ang aktuwal na sabong.

Isinumite ang committee report sa plenaryo matapos ang ilang pagdinig ng Senate committee on public order na pinamumunuan ni Dela Rosa. Ang imbestigasyon ay nag-ugat sa pagkawala ng 34 sabungero. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.