Una sa Balita

Limang doktor nagpositibo: Ospital ng Sampaloc sinara

0 313

Isinara muna ang Ospital ng Sampaloc sa Maynila para isailalim ng disinfection matapos na magpositibo sa coronavirus disease2019, ang may 5 doktor.

Ayon kay Manila. Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, ito ay upang bigyan ng panahon ang mga doktor, nars at iba pang healthcare workers/frontliners na makabawi sa pagkakasakit at maisagawa ang malawakan at masusing disinfection sa ospital.

Bukod sa 5 doktor na nagpositiho, 14 pang doktor, 8 nars at administrative staff ang naka quarantine dahil sa sintomas ng COVID-19.

Nalaman na ang konsultasyong Internal Medicine, Pedia, Obstetrics/Gynecology, Anesthesiology, Paanakan, at Medico-Legal Clearances ay maaaring gawin sa Ospital ng Maynila Medical Center, Justice Jose Abad Santos General Hospital at sa Ospital ng Tondo.

Habang ililipat naman ng pagamutan ang mga pasyente at pauuwiin na ang mga pasyente na puwede nang idischarge.(Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More