Una sa Balita

Limang dayuhan arestado sa pot session

By
0 191

ARESTADO ang limang dayuhang estudyante habang nasa aktong nagsasagawa ng mari­juana ‘pot session’ sa Brgy. Tapuac, Dagupan City kamakailan.

Kinilala ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang mga suspek na sina Thaduri Arun Kumar, 22-an­yos; Alapati Surya Kiran, 21; Shai Abdul Subha; Jarugul Shavath Kumar, 22, at Dharviya Kiran kumar Parsottan Bhai, 21, pawang mga medi­cal student ng Lyceum Northwestern University, lahat ay naninirahan sa Begpar and JC apartment, Brgy. Caree­nan sa na­sabing siyudad.

Sa ulat DCPO, nakatanggap sila ng tawag sa telepono sa ilang concerned citizen na ang mga estudyante ay nagsasagawa ng group pot session.

Agad na rumesponde ang DCPO anti-illegal drug unit at hinuli ang mga suspek na naaktuhang humihithit pa ng cigarette-type na mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong foil na may laman na marijuana dried leaves at mga ilang cigarette stick ng marijuana.