Una sa Balita

Lim, Orbon ginto sa Kharkiv Open 2020

0 487

BUMIRADA ng gintong medalya sina dynamic duo Pinay karateka ­Jamie Lim at Joane Orbon sa ginanap na Kharkiv Open 2020 sa Sports ­Palace ­‘Lokomotyv’ sa Ukraine.

Wagi si Lim sa -68kgs women’s cate­gory habang si Orbon ay sa -61kgs division kuminang sa naturang Ukrainian Karate Premier League tournament.

Dahil sa pagkapanalo ay pinalakas ng dalawa ang kanilang tansang makalahok sa Tokyo Olympics 2020.

Matatandaan na podium finish rin ang ­da­lawa sa 30th Southeast Asian Games noong ­Disyembre.

Wagi si Lim ng gintong medalya habang si Orbon ay nakasungkit ng bronze medal sa biennial meet. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More