Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lillard, Nurkic bet si Durant

0 74

PARANG nagpaparamdam si Damian Lillard kay Kevin Durant.

Sa kanyang Instagram Story nitong Sabado, nag-post si Lillard ng edited picture nila ni Durant, magkatabi, nakasuot pareho ng Portland Trail Blazers jersey. No. 35 si KD, No. 0 si Dame.

Sumawsaw si Jusuf Nurkic, pinost din sa Twitter ang photoshopped image na may emoji ng piyesa ng jigsaw puzzle.

Ni-re-recruit ba ng dalawa si KD para tumawid ng Rip City?

Angas bigla ng Blazers kapag nagkataon – KD, Lillard, Nurkic (kapag bumalik sa Portland sa free agency) at bagong hugot na si big man Jerami Grant.

Nakaabang si Durant sa resulta ng usapan ng Nets at ni Kyrie Irving. Kapag nawala si Kyrie, baka umalis na rin ng Brooklyn si KD. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.