Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lilipat sa Kapamilya? Lovi alanganin pa sa Kapuso

0 219

Malapit nang umuwi ng Pilipinas si Lovi Poe para simulan ang isang pelikula ng Regal Entertainment, Inc.

Bukod doon, may pelikula rin siyang gagawin sa Viva Films.

Asahan na sa pag-uwi ni Lovi sa bansa ay mabubuhay uli ang issue kung saan na nga bang TV network siya dahil expired na ang exclusive TV network contract niya sa GMA-7.

Kasama na kaya sa agenda ni Lovi sa pagbabalik niya sa bansa ang tungkol sa magiging desisyon niya kung mananatiling Kapuso o mangingibang-bakod na?

Wel… sabi nga, abangan ang susunod na kabanata!

Anyway, as I write this, nasa Santa Barbara si Lovi kasama ang boyfriend na si Montgomery Blencowe na kilalang Hollywood movie producer.

Sharon nangayayat sa Amerika

June 15 ang second dose ni Sharon Cuneta sa kanyang COVID-19 vaccination. Bale Moderna ang itinurok sa Megastar.

As you read this, malamang na fully vaccinated na si Sharon (15 hours behind ang Los Angeles, California sa Philippines, kaya June 15 pa lang doon).

Ang bongga lang ni Sharon, Dondon (my dear editor), aba kahit marami siyang posting na panay ang lumalabas sila ng kanyang mga kasama around California (galing din sila sa Las Vegas, Nevada), obvious naman sa kanyang hitsura na lalo siyang pumapayat.

Mas payat nga ngayon ang dating ng Megastar.

Bongga!

Pinoy sa US natulala kay JLo

Ang sighting sa Hollywood superstar na si Jennifer Lopez kahapon sa Canon Drive, Beverly Hills ang chika ko.

Naku, Dondon, sayang at humiwalay ako sa friendship ko na si Nathaly Stuessy, hindi ko tuloy nakita si Jennifer.

Kuwento ni Nathaly, “Nakatayo kami sa labas ng restaurant while waiting for our car nang dumaan ‘yung black SUV na sinasakyan ni Jennifer.

“Nakabukas ang window niya. Nakaupo siya sa backseat. Naka-white top at shades siya.

“Siyempre, starstruck kami!” kuwento ni Nathaly sa akin.

Wow, sayang. Pero nakita ko na rin naman si Jennifer sa may The Grove naman sa L.A. rin some years back!

Leave A Reply

Your email address will not be published.