Una sa Balita

Ligtas sa buhangin, graba sa trak napuruhan

By
0 680

NAPISAK sa trak ang nagbibisikletang security guard na umano’y umiwas sa buhangin at graba sa bangketa matapos siyang magulungan sa Quezon City kahapon.

Ayon kay PO3 Paul Bingayan ng Quezon City Police District Traffic Sector 2, ang biktima ay nakilala lamang sa pangalang Christopher Musa.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng General Luis St., Novaliches nang iwasan nito ang bangketa na may mga nakatambak na buhangin at graba kaya bumangga siya sa 10-wheeler truck na minamaneho ni Bernardo Tadeo.

Abante Hiring – IT dep

Depensa naman ng drayber ng 10-wheeler truck, biglang sumulpot ang guwardiya kung kaya’t hindi agad siya naka-preno at nasalpok niya ang bisikleta na sinasakyan ng guwardiya.

Nakapiit na ang drayber ng trak sa detention cell ng QCPD Traffic Sector 4 habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide.