Una sa Balita

Ligtas at makakalikasang Semana Santa isusulong sa Antipolo City

0 281

READY for action na ang Antipolo City Government sa isang ligtas at makakalikasang paggunita ng Semana Santa ngayong taon sa tulong ng Mapayapa, Mataimtim at Malinis (3M) Campaign bilang tugon sa muling pagdagsa ng milyong-milyong deboto at turista sa lungsod na tinaguriang Pilgrimage Capital ng bansa.

“Dahil ang Antipolo ay pangunahing destinasyon ng mga mananampalataya at turista tuwing Kuwaresma, malaking hamon po talaga ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating lungsod. Kaya naman patuloy po ang aming panawagan sa ating mga kababayan na papanhik na maging responsable lalo na sa kanilang mga kalat,” pahayag ni Antipolo City Mayor Jun Ynares.

Nagbuo ang pamahalaang lungsod ng incident management team na siyang mangunguna at ma­ngangasiwa sa Huwebes at Biyernes Santo. Ang team ay binubuo ng iba’t ibang mga kinatawan mula sa pamahalaang lokal at nasyonal, pribadong sektor, simbahan, Philippine Red Cross, volunteer groups at mga barangay. Kasama sa kanilang tungkulin ang pagpapanatili ng kaligtasan ng mga publiko at mga responder, pag-aayos ng daloy ng trapiko at pagbibigay ng emergency medical services.

Magtutulong-tulong ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army sa pinaigting na seguridad sa buong lungsod. Para sa iba pang anunsyo at updates, maaaring makipag-ugnayan sa official Facebook page Antipolo City Gov at sa emergency hotline number (02)689-4576 / 0927-7559-911.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy