Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ligpitan na ng Belen, Christmas tree

0 90

Dalawang linggo bago mag-Pasko, nagdalawang -isip pa ako kung maglalagay ng decor kase nga pandemya at ang hirap magligpit pagkatapos. Pero nag-decide ako na umakyat sa attic para kunin ang halos 3 malalaking kahon ng Christmas tree, belen, balls, garland, Santa Claus, parol at mga palamuti.

Parang hindi ko maatim na hindi mag-decorate na halos kinatandaan ko nang gawin tuwing Pasko. “Magde- decorate pa ba ako eh ako din naman ang magligpit at mahihirapan sa huli, pagod lang!”, sabi ko sa aking sarili.

Pero nanaig ang Christmas spirit. Kumuha ako ng hagdan at isa-isa kong ibinaba ang mga kahon at saka idiniretso sa likod ng bahay para ipagpag at punasan ang mga decor na puno ng alikabok. Halos ilang araw din akong bisi-bisihan sa pag-aayos habang may background na mga Christmas carols. Nagamit ko lahat ng mga lumang dekorasyon. Iniba ko lang ang ayos dahil sa garahe ko inilagay ang Christmas tree sa halip na sa loob ng bahay.

Naging masaya agad ang ambiance pagkatapos. Nawala agad ang ‘sad vibes’ dahil pati ako sumaya sa kumukutitap na mga ilaw. Malaking bagay talaga kapag makulay ang paligid dahil napapawi ang lungkot at mga agam-agam.

At dahil tapos na halos ang holiday season, ligpitan na tayo ng kalat. Hindi lang mga Christmas decor ang dapat natin iligpit kundi pati ang mga basura at anik-anik sa loob ng ating bahay.

Mahirap itong gawin lalo na para sa katulad ko na mahilig magtago ng mga memorabilya. Gusto nating maaliwalas ang simula ng bagong taon. Maayos na mga gamit at malinis na paligid.

May mga pagaaral na nagsasabi na malaki ang epekto sa ating mental health kapag walang stress sa paligid. Bukod sa maganda ang sirkulasyon sa loob ng bahay kung organisado ang mga gamit, dadaloy ang positive energy. Nagiging masaya at kalmado ang ating isipan at katawan.

Kaya ang payo ko, simulan na nating mag-declutter.[MOU1] Subukan natin sa sariling kuwarto. ‘Wag na tayong pa-senti. Kung matagal nang hindi naisusuot ang isang damit, i-donate, ipamigay, o ibenta para dagdag na kita.

Maglaan ng araw at oras para dito, halimbawa tuwing Sabado ng umaga. Humanap ng apat na kahon at lagyan ng label na ‘donate’, ‘recycle’, ‘sell’ at ‘trash’. Dito ilagay ang mga mapipiling gamit. Kung hirap mag-decide kung alin ang ipapamigay o itatapon, call a friend para magpatulong.

Mas makakapokus tayo sa ating goals ngayong 2022 kung sisimulan natin ito sa malinis na paligid at positibong pag-iisip.

Maari kayong mag-share ng inyong hindi makakalimutang trip, happening, at kung anu-ano pang nagpapasaya sa inyo at ating itong ilalathala. Mag-email sa: viel0715_@2000@yahoo.com at sundan ang aking mga ganap sa FB at Twitter.

Leave A Reply

Your email address will not be published.