Una sa Balita

Light training sisimulan na ni Pacquiao para sa Broner fight

By
0 314

INIHAYAG na ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang sasagupain bago harapin sa ikalawang pagkakataon si Floyd Maywea­ther, Jr.

Ang masu­werteng boksingero ay ang 29-year-old na si Adrien ‘The Problem’ Broner na taga-Cincinnati, USA.

Gaano ba ka-delekadong boksinge­ro itong si Broner?

Well, may record siya na 33-3-1 na may 24 KOs at na­ging world champion sa apat na dibisyon – featherweight, lightweight, super lightweight at welterweight divisions.

Ang huling dalawang laban ni Bro­ner ay talo kay Mikey Garcia (unanimous) noong July sa New York at majority draw kay Jessie Vargas sa New York din ginanap noong Abril.

At nagpahayag ng tiwala si Pacquiao na kayang niyang talunin si Broner sa kabila na ‘di hamak na mas bata ito sa kanya. Bale 40 years old na ang boksinge­rong senador sa Disyembre 17 ngayong taon.

Sa kanyang bo­xing career, hindi nagbibigay ng prediction si Pacquaio at ang gumagawa nito ay ang kanyang trainer na si Freddie Roach.

Pero sa presscon kung saan pormal na ipinakilala siya bilang bagong ambassador ng International Sports Promotion Society (ISPS Handa) ay nagpahap­yaw siya.

“If I can finish it earlier than 7 rounds, why not?” sabi ni Pacquiao.

Malinaw na epek­to ito ng kanyang 7th round KO victory kontra sa Argentinian banger na si Lucas Mathysse noong nakaraang Hulyo sa Malaysia upang tanghaling world champion ng WBA welterweight division.

Ayon kay Pacquiao, 90 percent nang siguradong matutuloy ang laban sa Enero 12 o 19 ng susunod na taon. Pero most likely sa a-dose ng Enero dahil may sesyon na sa 19.

Plano nga ni Pacquiao na isagawa ang promotional tour ng laban nga­yong Nobyembre at sisimulan na niya ang training sa linggong darating.

Tungkol sa rematch nila ni Mayweather, plano na idaos ito sa May o June ng susunod na taon.

SA unang laban ng dalawa, tinalo ni Mayweather si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision noong 2015. Matapos ang sagupaan, nagpao­pera si Pacquiao sa kanyang balikat.