Una sa Balita

Light Bombers tabo sa Robins

By
0 4

Pinatumba ng Mapua Red Robins ang Jose Rizal University Light Bombers 92-88 sa paghaharap nila kahapon sa second round na ng NCAA Season 93 juniors basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. 

Buong game pinaghabol ng Mapua ang JRU.

Sa pangunguna nina Will Gozum at Warren Bonifacio ay tinambakan ng mga taga-Intramuros ang mga taga-Kalentong 51-37 sa first half.

Pinilit pababain ng Bombers ang lamang ng Robins sa third quarter matapos sunod-sunod na magpaputok si Kobe Caballero na idinikit ang team sa 65-63.

Hindi naman nagpatinag ang Red Robins sa big­laang pagtindi ng opensa ng JRU sa final quarter at tinuluyan na ito sa 92-88. 

Nagtala si Gozum ng 31 points kasama ang 14 rebounds at 3 assists samantalang 18 naman ang kay Bonifacio kasama ang 15 rebounds.