Una sa Balita

Liga ni Pulong naging magaling

By
0 2,089

SUWABE ang ratsada ng Tapang at Malasakit National Basketball and Volleyball Tournament ni Paolo ‘Pulong’ Duterte mula NCR at Province of Rizal na ginanap sa Pasig Ynares Complex.

Ang liga pong ito ay libre ang uniporme ng mga manlalaro sa basketball & volleyball at wala po tayong babayaran na tournament fee. Naisip kasi ni Mr. Paolo Duterte na maraming kabataan na gustong maglaro ng basketball pero walang pambili ng uniporme at walang pambayad ng tournament fee, so ito ang liga na open sa lahat.

Ito po ay dinaluhan ni Asec. Mocha Uson, Mayor Jun Ynares ng Antipolo, AMA Senior VP Arnel Hibo, Councilor Peter Ong & actor/player AMA ONLINE PBA D-LEAGUE Mark Andaya, video greeting mula kay Mayor Sara Duterte at Boss Paolo Duterte at napanood po ito nang live sa Facebook at mayroon din po tayong Fiba LiveStats na makikita niyo sa ating Facebook page, Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament.

Ito rin ay ginanap sa birthday mismo ni Pulong Duterte.

***

Nagsimula na ang elimination rounds natin sa Antipolo, San Juan, Manila, Pasig, Quezon City at iba pang muni­cipality sa Province of Rizal at NCR. Magsisimula na rin kami sa Visayas at Mindanao Leg sa April 14, 2018 na ako mismo ang pumupunta pa­ra masigurado na maayos at maganda ang naturang mga torneo sa basketball & Volleyball.

Nagpapasalamat ako sa supporta na binigay sa akin ng ating head na si Mr. Paolo Duterte at AMA Chairman Amable R. Aguiluz V.

Magkakaroon naman ng pa-tryout ang AMA University sa school year 2018-2019 sa lahat ng sports, basketball & volleyball atbp. Ang mapa­lad na makukuha ay magkakamit ng scho­larship, allowance at ­tirahan.

Gayundin tryout na rin ang AMA Online Pba D-League team para sa susunod na conference na may sigurado na slot para sa susunod na Foundation Cup. Ang AMA D-League team ay panglimang taon nang kasali sa liga dahil naniniwala kami na ito ang tamang torneo na magbibigay ng katuparan sa pangarap ng isang manlalaro ng basketball na mapunta sa pinakamataas na liga sa Pinas kasi may rule na bago ka makaak­yat ng PBA ay kailangan mo munang maglaro dito sa PBA D-League.

Limang taong walang patid na kasali ang AMA sa PBA D-League na ang ginagamit ay ang school-based team at wala kaming foreign player kasi naniniwala kami na dapat na homegrown players ang mabigyan ng pagkakataon para ma-expose ang aming AMA College players, na ang adhikain ay totoong graasroot level simula sa elementary hanggang college at PBA D-League.

Please like page Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament sa Facebook.