Una sa Balita

Lifestyle dahilan ng pagtaas ng obesity rate sa mga bata

0 366

Makabagong magulang, makabagong sistema ang kasalukuyang umiiral sa pagpapalaki ng mga bata na pa­ngunahing dahilan kaya mabilis ang pagtaas ng mga ­overweight o obesity rate sa bansa. Hindi na tulad noong unang ­panahon na ang mga bata ay malayang ­nakakapaglaro sa ilalim ng ­liwanag ng buwan dahil sa wala pang ­masasamang loob na ­gagambala sa kanilang paglalaro.

Maluwag pa ang mga lugar noon at malayang nakakatakbo ang kabataan at wala pang mga gadget na sobrang umuukopa sa atension ng isang bata na isa sa ­dahilan para hindi na sila ­gumalaw sa kanilang kinauupuan.

Hindi tulad noon na puwedeng magtumbang preso, taguan, habulan at marami pang laro na nangangailangan ng pisikal na mga aktibidad kaya malusog at malakas ang mga bata kumpara ngayon.

Malaking bagay rin ang mga kinakain ng mga bata noon na kapag meryenda ay nilagang kamote o saging lamang at mga sariwang gulay naman kapag oras na mismo ng normal na pagkain.

Hindi tulad ngayon na halos lahat ng klase ng ­pagkain na napapanood sa telebisyon ay gustong matikman ng mga bata o ang mga magulang mismo ang ­gustong ­ipatikim sa kanilang mga anak ang mga walang ­sustansyang pagkain.

Kapag makulay ang advertisement, kaakit-akit ang ­mascot, maraming bata ang natutuwa at wala na silang pakialam maging ang kanilang mga magulang kung puro asukal o walang sustansya ang pagkaing gusto ng mga bata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More