Una sa Balita

‘Lifecore Grand Prix’ susulong sa Calapan

0 188

IKAKASA ang 12th leg ng 2019 Grandmaster Rosendo Balinas, Jr. Chess Cup na “Lifecore Enterprises National Executive Grand Prix Chess Championships” bukas, (Sabado) sa Bulwagang Panlalawigan sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ang one-day rapid event ay bukas sa lahat ng qualified members at ayon kay Philippine Executive Chess Association (PECA) president Dr. Jenny Mayor, ipapatupad ang 7-round Swiss System na may 20 minutes playing time at five seconds delay.

Nakalaan sa magkakampeon ang P10,000, habang ang second placer ay P7,000.

Ibubulsa ng third placer ang P5,000 habang ang fourth at fifth ay mag-uuwi ng tig P3,000 at P2,000 ayon sa pagkakasunod.

Ang registration para sa NCFP-sanctioned event ay P1,000, may on-site registration na P1,200 habang ang annual membership ay P1,000. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy