Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Liezel, Diego, Mikoy, Ashley tsugi na sa ‘Bubble Gang’

0 559

Sa pag-launch ng bagong Bubble Gang sa May 27, hindi na makakasama sa latest reformat ng show sina Mikoy Morales, Denise Barbacena, Liezel Lopez, Arra San Agustin, Lovely Abella, Ashley Rivera, Diego Llorico, Myka Flores at ang isa sa pioneer cast member na si Antonio Aquitania.

Ayon kay Michael V., ginawa raw nila ang magbawas at magpasok ng bagong cast para mapanatili na relevant at fresh ang dating ng Bubble Gang na 27 years nang umeere sa GMA-7.

“I think, yung pagpapalit ng cast, paglalagay ng mga bagong segments, ito yung much-needed improvement sa show. Hindi kasi puwedeng maging stagnant yung Bubble Gang, it has to grow and it has to expand and I think this is the best way na gawin ‘yun.

“Yung platform, kailangan nating intindihin, eh. Hindi puwedeng TV show na lang tayo. Ang dami nang platforms sa social media so I think, since trying to stay relevant yung show, siguro pati yung platform na pinaglalabasan niya, dapat maging relevant din.

“Hindi lang TV yung ini-inculcate natin ngayon kung hindi social media rin and at the same time, pabalik din, yung mga nasa social media, pwede natin ilagay sa TV show so maganda yung working relationship ng TV show at ng audience.”

Kinausap naman daw ni Bitoy ang mga natsugi sa Bubble Gang: “Ako, I felt the need to explain to them somehow, give them an insight kung bakit siguro nagkaroon ng ganoong dahilan. Unang-una para hindi talaga sumama yung loob nila, and, at the same time, para ma-inspire sila na hindi naman ito yung pagtatapos talaga. Kasi this could probably be the beginning for some of them na simulan uli yung journey pabalik sa show. Kasi lagi namang bukas yung Bubble Gang for talents na kakailanganin namin and since naging part na rin sila, I’m pretty sure they’ll find their way back.”

Ang mga naiwan naman ay sina Chariz Solomon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Archie Alemania, Analyn Barro, Faye Lorenzo, Kokoy de Santos at Paolo Contis.

Dinagdag naman na bagong cast sina Tuesday Vargas, Faith Da Silva, Dasuri Choi at Kim de Leon. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.