Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lider ng sindikato bagsak sa P100K shabu

0 171

MATAPOS makulong at lumaya, muling naaresto ang lider ng Sarimos Drug Group sa isinagawang buy bust operation at nasamsaman ng P103K halaga ng shabu sa Dasmarinas City, Cavite Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Joel Sarimos y Perez, 40, driver, tinaguriang High Value Individual (HVI).

Sa report ni PSSgt Wilson Candava, ng Dasmariñas City Police Station, alas-11:40 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite PPO at Dasmariñas CPS, sa Bgry Paliparan 1, Dasmarinas City na ikinaaresto ng suspek.

Nakuha sa suspek ang P15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P103,5000 at buy bust money.

Naresto si Sarimos noong October 2018 sa paglabag ng RA 9165 at RA 10591 subalit nakalaya matapos magpiyansa. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.