Una sa Balita

Lider ng robbery hold-up group todas sa Camarines Sur buy-bust

0 192

TODAS ang lider ng isang robbery hold-up group na nag-o-operate sa lalawigan ng Camarines Sur matapos manlaban at mabaril ng pulisya sa isinagawang buy-bust opration kahapon ng umaga sa bayan ng Calabanga ng nabatid na lalawigan.

Dead-on-the-spot si Francisco Lastima Sta. Ana Jr., alyas ‘Bulaw’, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Quinale ng nasabing bayan, lider ng Sta. Ana Robbery Hold-up Group at kilala ding tulak ng iligal na droga.

Ayon kay Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, dakong alas-9:20 nang umaga nang magsagawa ng buybust operation ang pinagsanib na puwersa ng kapulisan laban sa suspek sa Brgy. San Lucas ng bayang ito.

Napag-alaman na isang police poseur buyer ang kumuha ng iligal na droga sa suspek subalit nakatunog umano ito na pulis ang kanyang ka-transaksyon dahilan upang bunutin nito ang kanyang kalibre .45 baril at makipagbarilan sa awatoridad.

Gumanti naman ng putok ang pulisya dahilan upang masawi ang suspek matapos magtamo mga tama ng bala sa katawan.(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy