Una sa Balita

Lider ng robbery group, 2 pa timbog sa Cavite

0 423

SWAK sa kulungan ang lider ng Edrina Group, na sinasabing responsable sa nakawan at gun for hire activity, nang madakip sa Imus City, Cavite.

Nasa Imus City Custodial Center ang suspek na si Ronilo Edrina at mga kasama nitong sina ­Renadro Rabino at Romeo Fernandez na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. ­Cynthia ­Marino-Ricablanca, Executive Judge ng RTC Branch 27 ng Sta Cruz, Laguna.

Arestado ang tatlo nang ikasa ng awtoridad ang Oplan Paglalansag Omega at Salikop sa Brgy. Carsadang Bago II alas-tres kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga narekober dito ang motorsiklo, iba’t ibang klase ng baril, shotgun, granada, bala, at mga identification card.

Ilan sa mga krimen diumano ng grupo ni Edrin ay serye ng nakawan sa Amadeo, Cavite at panghahalay sa Brgy. Loma noong Nobyembre 29, 2019 at Binakayan sa Kawit noong Enero 28, 3030 sa Kawit. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More