Una sa Balita

Lider ng ralyista sa US Embassy, kasuhan din — CHR

By
0 178

Irerekomenda ng Commission on Human Rights na kasuhan hindi lamang ang mga pulis na nasa likod ng marahas na dispersal sa isang rally sa US ­Embassy noong nakaraang taon kundi maging mga organizers ng nasabing pagkilos.

Sa pagharap sa House Committee on Human Rights ni Atty. Francisco Enciso ng CHR, sinabi nito sa komite na hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon. Gayunpaman malapit na umano itong matapos at kanilang kinokonsidera na iutos na kasuhan maging ang mga organizers.

Hindi naman nagbigay ng eksaktong petsa ang CHR kung kailan ipalalabas ang report ukol sa kaso.

Sinabi ni Enciso na lumalabas sa kanilang paunang imbestigasyon na gumamit ng dahas ang mga pulis sa pagbuwag sa mga nagwelga dahil na rin sa naging ­magulo ang mga ralyista. Hindi umano ligtas sa kaso ang mga organizers dahil tanging ginagarantiyahan sa Saligang Batas ay ang pagsasagawa ng mapayapang rally.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy