Una sa Balita

Lider ng mga ‘jumper’ arestado

0 294

Dinakma ng mga tauhan ng Manila Police-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang lalaki na itinuturong lider ng iligal na koneksyon ng kuryente o ‘jumper’,­ kamakalawa nang umaga sa Intramuros, Maynila.

Nasa kustodiya SMaRT ang suspek na si Jayvee Nunez, 29 at taga-634 Magallanes St., ng nasa­bing lugar.

Sinama rin sa pag-aresto si Jonathan Relosa, 53, ng parehong lugar, dahil naman sa pagtangka nitong pigilan ang mga pulis na huhuli kay Nunez.

Ayon kay P/Maj Rizalino Ibay Jr., hepe ng SMaRT, alas-11:00 ng umaga nang isumbong sa kanila ng lineman ng Manila Electric Company (Meralco) na si George Oira, 36, na nakita sa akto si Nunez na inililigpit ang wire na ginagamit sa iligal na koneksiyon ng kuryente.

Nang sitahin umano ay pinagbabato ni Nunez ng bote si Oira at saka pumasok sa kanyang kuwarto.

Dito na rumesponde ang mga awtoridad at inaresto si Nunez, nakuha sa kanya ang mga drug paraphernalia at sampung metrong wire ng kuryente.

Sinampahan ng kasong pag­labag sa RA 7832 o Anti-Pilferage Act, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Unjust Vexation si Nunez. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy