Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lider ng kulto binulabog misa sa Cebu

0 189

Nabulabog ang isang misa matapos sumugod sa gitna ng seremonya ang lalaking lider umano ng kulto kasama ang 20 niyang tagasunod sa Barili, Cebu noong Linggo.

Kinilala ang lider na si Jerome Villarin, 46-anyos at isang faith healer.

Sa ulat ng pulisya, nagdaraos ng misa sa loob ng San Isidro Labrador Parish sa Brgy. Mantalongon sa Barili nang biglang dumating si Villarin bandang alas-4:15 ng hapon.

Nagulat ang lahat nang sumigaw ito ng “Ayaw mog to-o ana nga pari. Dili na mao iyang gipanulti. Iyaha na sa demonyo.” (Huwag maniwala sa pari. Hindi totoo ang sinasabi niyan. Ang salita niya ay galing sa demonyo.)

Sinikap itong awatin ng mga empleyado ng simbahan pero lalo umano itong nagwala kaya tumawag na ng pulis ang pamunuan ng parokya.

Bumagsak sa kulungan si Villarin at nahaharap sa kasong interruption of a religious worship. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.